The official Blog of "Meet the Faces of KaJoyfulness" for showbiz, talent updates, anything and everything under the sun.

Thursday, February 3, 2011

KAJOYFULNESS PANANAW: Chinese New Year

Mga KaJoyfulnesses, kada taon, nagdiriwang ang mga Filipino-Chinese communities ng Chinese New Year sa iilang lugar na may Chinatown sa Pilipinas bukod sa Binondo.

Sa paniniwala ng mga Tsino, tinataboy ng malas tuwing pagsapit o pagkatapos ng Chinese New Year. Pati ang mga Pilipino, sumubok na sa mga lucky charms at inilagay sa anumang parte ng bahay.

Naniniwala rin ang mga Pinoy kung ano ang swerte o malas sa inyong bahay, sa negosyo, pag-ibig o buhay. Subalit, may mga balita na malas gaya ng tangkang kidnapping para bawasan ang mga Filipino-Chinese, pambobomba ng mga lugar nang dahil sa terorismo, patayan dahil sa sunod-sunod na nakawan o panloloob ng bahay. Hanggang ganito na lang ba ang karanasan ng mga Tsinoy?

Tabuyin sana ang mga malas sa buhay nila pati ang mga pabigat sa negosyo at pag-ibig para suwerte ang Year of the Metal Rabbit ngayong 2011. Sana naman, mahiya naman ang mga mapagsamantala na sirain ang kulturang Tsinoy at mawala o makalimutan na kung anong mga malas na lalapit sa kanila. Mga KaJoyfulnesses, maniniwala kayo sa suwerte? Kayo na po ang bahalang humusga. KUNG HEI FAT CHOI!