The official Blog of "Meet the Faces of KaJoyfulness" for showbiz, talent updates, anything and everything under the sun.

Thursday, February 3, 2011

Anne Curtis distraught over losing ring in airplane

Last Saturday ay lumipad si Anne Curtis papuntang Korea para mag-shoot ng ilang eksena niya sa teleseryeng Green Rose.

Kahapon ng madaling araw ay nakabalik na sa bansa ang aktres.

Nag-stop over daw ang kanilang sinakyang eroplano sa Hong Kong airport kung saan ay bumili si Anne ng isang David Yurman Amethyst ring na nagkakahalaga ng 600 U.S. dollars.

Binili niya ang singsing na ito bilang birthday gift sa sarili.

Nang dumating si Anne sa Manila, naiwan niya sa business class section ng sinakyang eroplano ang paper bag kung saan nakalagay ang singsing na kanyang binili.

Nasa bandang immigration area ng airport na raw si Anne nang maalala niyang may naiwan siya sa eroplano, pero nang balikan raw ng aktres ay wala na ang kanyang paper bag.

“Pinayagan naman ako ng airport staff to get back to the plane, wala raw talaga. Sabi sige po wala naman ibang nakasakay dito kundi staff lang ng Cathay Pacific at customs officers. ‘Di pa nakakapasok yung cleaning ladies. So we went to Cathay Pacific and they assisted me naman. Tapos biglang nag-radyo na nahanap nila yung box. Nasa ibang compartment ng plane, may kumuha talaga. I don’t know kung sino, pero wala na yung singsing,” emosyonal na pahayag ni Anne.

Nagbigay na rin ng pahayag ang police intelligence and investigation division ng airport tungkol sa insidente at nangakong iimbestigahan nila isa-isa ang staff and crew na present sa pangyayari.

Labis na naapektuhan si Anne sa nangyari kaya naging emosyonal siya nang oras na iyon.

“Umiiyak talaga ako kasi iba yung feeling when someone steals or something is taken away from you tapos binabalik sa’yo yung paper bag at box na sira na. Nawindang ako, nakakalungkot lang. Sana lang ay maging honest at ibalik. Nakausap ko mga flight attendants, they don’t know either. To all the staff and the airline sana po matulungan ninyo ako malaman kung saan napunta yung aking lost item,” seryosong pagtatapos ng aktres.

Nagbigay na rin ng statement ang Cathay Pacific management tungkol sa pangyayari.

Humingi sila ng paumanhin kay Anne at nangakong gagawa ng sariling imbestigasyon kaugnay sa insidente. (report from James Cantos, Push.com.ph)