The official Blog of "Meet the Faces of KaJoyfulness" for showbiz, talent updates, anything and everything under the sun.

Tuesday, March 8, 2011

KAJOYFULNESS PANANAW: Parental Guidance

Mga KaJoyfulnesses, marami ang napapanood ng mga teleserye sa iba't-ibang istasyon pero hindi lahat ng mga programa, para sa lahat ng mga kabataan at pamilya.

Kung tutuusin, may nakalagay nga ng 'Parental Guidance' sa tuwing magsisimula o tatapusin ang mga programa. Pero balewala kahit may magulang na, hindi nasisikmura o naiiwasan ang mga eksenang nakakagimbal, nakakatakot at nakakalito.

Papaano kung ano ang pinaiiral nilang kinabukasan ay baka masama ang kanilang pag-iisip nang dahil sa telebisyon.

Kung kabataan man, kailangan panoorin ng mga educational o may aral ng mga programa na angkop sa mga batang manonood.

Kung teenager man, kailangan pa rin ng patnubay o gabay ng mga magulang sa tuwing manonood ng mga dramaserye o fantaserye sa lahat ng panahon, kahit sa weekend.

Pero kung nasa wastong edad na o matanda na, parang magulang sila pero... walang ginawang mabuti, kung minsan kasi, ang mga lalaki, naging tambay, at ang mga babae naman naging 'bugaw' o 'pokpok' o 'di kaya'y 'prosti'.

Mga KaJoyfulnesses, huwag natin hayaan ang mga kabataang nagpupuyos na dapat maging masama nang dahil sa telebisyon. Dapat may 'Parental Guidance' talaga bago tayo gawin ng mabuti. Kayo na po ang bahalang humusga.