Mga KaJoyfulnesses, tapos na ang taong 2010. Ang 2010 na para sa amin, mga KaJoyfulnesses ay: “Taon ng Bagong Buhay Para sa Pagbabago”. Pero para sa 2011, ang sa amin ay “Taon ng Bagong Hamon Para sa mga KaJoyfulnesses na Habambuhay Itong Tatatak sa Puso”.
Ang naging hamon noong 2010 ay nagdulot ng katagumpayan sa kalagitnaan ng poot, galit, kasakiman at inaapi ng ating inang bayan. Maraming mga KaJoyfulnesses ay pumasok sa bagong buhay pero mahirap iwanan itong samahan natin.
Ang pananaw nito at aral: “Maging alisto at huwag pahuhuli sa pagbigay ng salita sa mga tao kung may panganib na mangyayari sa atin at laging magdasal sa Panginoon para walang sakit ang ating nararamdaman”.
Mauulit pa ba ito ngayong 2011? Sana ay hindi dahil ang bagong hamon sa Taon ng mga Kuneho (Year of the Rabbit) ay dapat ituloy at huwag isuko sa anumang paraan na maaaring hindi maituloy ang mga natagumpayan at nasimulan. Hanggang sa huli, ang hamon na haharap sa atin ay hindi na sana itong mitsa ng panganib para dito. Dahil, ang katotohanan at katagumpayan ay siyang mananaig magpakailanman at kailanpama’y ang kasiyahan at kaligayahan ay hindi na maaaring palitan at baguhin ng iba.