The official Blog of "Meet the Faces of KaJoyfulness" for showbiz, talent updates, anything and everything under the sun.

Friday, October 7, 2011

The Pinoy Biggest Loser Fab Five say they already feel like winners


Only three days to go before the grand finale of the country’s largest reality show series The Biggest Loser Pinoy Edition and grand weigh-in of all the contestants. But as early as now, the Fab Five said that they already feel like winners to be part of the show’s first season contenders.

Twenty-six-year-old Angela admitted she feels more content about her weight now. “Siyempre lahat kami pumasok sa camp na gusto naming lahat pumayat. So heto na binigay naman sa amin. Actually kung ako tatanungin, okay eh. Panalo na ako. Kung ano man yung kinalalagyan ko ngayon, kahit hindi lang sa akin, lahat kami panalo kami hindi naman lahat talaga nabigyan ng chance na ma-experience yung experience namin so nagpapasalamat ako kung nasaan man ako ngayon.”

The only other female finalist, 22-year-old Hazel admitted she also shares the same feeling of contentment as Angela. “Ang pinaka-goal ko talaga is to lose the weight tapos sabi ko sa sarili ko pag dumating ako sa puntong yun, I’d be super happy. Sabi ko nga before, kung ang ibigay na blessings ni Lord bumubuhos talaga. So right now kung tatanungin ako kung kuntento ako, yes I am contented as of now. And feeling ko, wala na akong iba pang mahihiling kasi overwhelmed ako sa lahat ng blessings ngayon,” she said.

Hazel’s first boyfriend, co-finalist Raffy whom she met inside the camp, said he had a lot of realizations about his life during the camp. “At first, before kami pumasok, iniisip namin na ito yung game na papayat kami so feeling namin heto na yun, pero ang dami naming na-realize. Like ako, dito ko na-realize na mahal ko pala family ko and dito ko na-realize na for me to fulfill my dreams, kailangan ko rin i-fulfill yung dreams nila. Kasi ako yung dapat maging tatay sa amin. Parang ito yung start ng training para makuha ko yung ultimate dream,” he explained.

Former civil servant Larry said that his joining the BLPE was a way of turning his life around after dealing with obesity. “Nung nakikita ko pa lang sa TV, pangarap ko ng makapasok sa Biggest Loser. Alam ko na dito magbabago buhay ko, na ‘pag pumayat ako mababawi ko yung buhay ko, mapapagpatuloy ko yung pangarap ko sa buhay na maalagaan ko pamilya ko hanggang sa tumanda sila at magka-asawa. Yun talaga yung pangarap ko,” he said.

Businessman Art on the other hand, said his concern was for his health above all things, even though he also echoes the same sentiments as his co-finalists in the show. “Actually, all my dreams, I really try to accomplish all of them. But I have one dream, which is to live longer. Kasi I didn’t think I was going to live long. I was 341 pounds entering the camp. Pero mga two months before that I was 360. So my only dream right now is to actually live longer so I can have more dreams,” he shared.

Catch the Fab Five and the rest of the Pinoy Biggest Loser contestants at the grand finale and final weigh-in on October 8, Saturday at the Ynares Stadium in Pasig. Log on to Push.com.ph daily for more updates on The Biggest Loser Pinoy edition. (Rhea Manila Santos/Push.com.ph)

Tuesday, August 9, 2011

Mario Maurer is willing to do a movie in the Philippines


Pumunta ang The Buzz sa Thailand nitong nakaraang linggo at pinalad makasilip sa isang clothing pictorial ng Thai teen heartthrob na si Mario Maurer.

Nagkaroon ng chance ang TV program na ma-interview ang binata na sikat na sikat ngayon sa bansa.

Minahal ng mga Pinoy si Mario dahil sa Thai movie na Crazy Little Thing Called Love at marami ang nahumaling sa dugong Chinese-German actor.

Dagdag pa niya, malaking oportunidad daw kung makagagawa siya ng pelikula sa bansa.

“I never expected I’d get famous in (the) Philippines nor in China or in Taiwan,” simula niya. Bukas din siya na makapareha ng isang Pinay actress.

Ang libangan daw niya ay pagkolekta ng mga vintage car models.

“And I collect many books about cars,” dagdag pa niya.

Sinabi pa niya na mayroon nga raw siyang maliit na model ng Philippine jeep at itinatago niya ito sa isang cabinet niya sa bahay.

Kapag may libreng oras, ang pinagkakaabalahan daw niya, “I usually go skate-boarding (or) go to the gym and lift weights with my friends.”

Meron din daw siyang simpleng pangarap.

“I just wanna build a house with a little bit of space and I want to make a garage and next to the garage I want to make a skateboard park. I want to wake up in the garage and walk a little bit and I have my skateboard park.”

Sa tipo naman niyang babae, paglalarawan ni Mario, “I like (a) sweet girl, kinda happy girl, funny girl. I like girls who dress up nice.”

Sinabi pa sa report ng The Buzz kahapon na pinaplano ngayon ng Star Cinema na kunin si Mario para makagawa ng movie sa bansa.

“If I have a chance to do a movie in the Philippines (it) would be very great,” anang aktor.

Sinabi rin ni Mario na bibisita siya sa bansa para sa endorsement ng isang clothing brand. (Bernie Franco, Push.com.ph)

Kim Chiu reveals she has new suitors


Sa report ng The Buzz ay inamin ng aktres na si Kim Chiu na may mga lalaking nanliligaw sa kanya, pero tumanggi ang dalaga na idetalye ito.

“Nahiya naman ako. Sasabihin ko nililigawan ako nito tapos hindi naman pala,” pagbibiro ng aktres na bida sa upcoming teleserye na My Binondo Girl.

Nang tanungin kung ano ang reaksyon niya sa mga bago niyang manliligaw, ang nahihiyang tugon ni Kim, “Andyan lang naman (sila) and thank you dahil wala lang... ganyan lang,” sabay tawa niya.

Samantala, sunod-sunod naman ang achievements na natatamo ni Kim. Natapos na ang dream house ng aktres na walang dudang mamahalin.

Bukod pa rito ay nakapagtapos na siya ng high school.

At isa na rin siya sa ikinokonsiderang top endorsers sa bansa ngayon.

Sinabi rin ni Kim na balak niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Pero hindi pa niya alam kung kailan pero ang gusto raw niyang kurso ay may kinalaman sa business.

“ ‘Di ka naman forever nasa showbiz, nasa limelight. Gusto ko ‘yung pera ko may pinupuntahan, umiikot and kumikita.”

Masaya rin si Kim dahil pumunta pa sila ng Hong Kong para dun i-shoot ang ilang eksena ng kanyang upcoming teleserye.

First time kasi niyang magti-taping sa ibang bansa.

“Masaya and excited kasi bagong experience for me. Hindi naman lahat ng show ng ABS-CBN magsi-shoot sa ibang basa, so nagpapasalamat and thankful (na) nabigyan ako ng ganitong chance.” (Bernie Franco, Push.com.ph)

Shaina on alleged split with John Lloyd: ‘Maligaya kami so hindi na namin kailangan magsalita’


Despite their efforts to shrug-off rumors, issues still hound John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao’s relationship.

There are new speculations that the couple got engaged and the actor’s proposal happened during their European vacation last month.

John Lloyd allegedly gave Shaina a ring.

“Hindi…hindi naman dapat itinatago kung binigyan ka. Pero hindi talaga,” Shaina denies.

But on the other hand, some reports say that John Lloyd and Shaina are not in good terms now.

“Alam ninyo kung lahat ng binibintang sa amin sasagutin namin---Para saan at para kanino? Alam namin totoo. Bayaan na lang natin dun sila masaya. Masaya silang namimintas so ibigay na natin kaligayhan nila. Maligaya kami so hindi na namin kailangan magsalita.”

Shaina went on by saying, “Kung hindi kami tinitira, hindi kami titibay ng ganito. Nagpapasalamat kami kasi isa sila sa mga trials namin.”

Meanwhile, Shaina tells Push.com.ph how proud she is that John Lloyd is hailed as the Most Beautiful Star of 2011 by a showbiz magazine.

“Agree naman ako dun. Oo naman. I’m very proud of him kasi siya ang kauna unahang lalaki natawag na most beautiful.” (Fionna Acaba, Push.com.ph)

Karylle hopes to have more projects outside the country


Dumating kamakailan sa bansa si Karylle after spending two months sa Singapore para mag-taping ng musical TV series na Kitchen Musical kung saan kasama niya si Christian Bautista.

Pero lilipad pabalik sa Singapore ang singer-actress sa Singapore ngayong araw, August 9, para ituloy ang taping until the end of September.

Hindi nga raw niya napapanood madalas ang mga episodes dahil sobrang demanding ng schedule para sa show pero nakakarinig siya ng magagandang feedback.

“Nakausap ko si Christian, sabi niya ang ganda, so sobrang na-excite (ako) tapos nawala ang lahat ng kaba ko. Kasi wala kaming idea kung ano ang hitsura ng finished product. Talagang secret nila hangga’t ‘di nila nalalagay lahat ng kanta, special effects or whatever,” kwento ni Karylle.

Nang matanong siya sa kung ano ang plano niya sa kanyang international career, sinabi ni Karylle na pagkatapos ng Kitchen Musical ay magiging open pa rin siya sa mga international offers.

“Itong show na ito hopefully after this magkaroon ng iba pang offers, kung sa theater naman, ‘pag dumating na lang kasi lagi namang may auditions, gaya nito nag-audition ako for this.”

Hindi rin siya nangangamba para sa kanyang career sa Pilipinas dahil sa tulong ng technology ay pwede pa rin daw siyang maging in touch with her fans.

“Actually everyone is interactive, everyone is on Twitter. Nagsusulat na lang ako, nagba-blog din ako once in a while. Gumagawa rin ako ng mga video ganyan.”

Best friends daw sila ni Christian sa TV show. Masaya rin niyang ibinalita na marunong nang sumayaw ngayon si Christian dahil required ito sa kanya.

“Isa na po siyang ganap na dancer. ‘Yung choreographer namin don is from Australia. Nung huli naming dance number talagang napatingin ako na dancer na talaga itong si Christian.” Araw-araw nga raw silang magkakasama doon.

Sa October daw ay ipapalabas ang pilot episode sa ABS-CBN at ang mga susunod na episodes naman ay ipapalabas sa Studio 23 at sa AXN cable channel.

Kung si Christian daw ay natutong sumayaw, ang kay Karylle naman, “Ngayon marunong na akong magluto. Dati pa-bake-bake lang ako nai-intimidate talaga akong magluto kasi di ba parang ang perfect ng cook sa mga TV parang konting ganyan lang, magic. Tapos ngayon ako kaya ko na rin magluto.” (Bernie Franco, Push.com.ph)