The official Blog of "Meet the Faces of KaJoyfulness" for showbiz, talent updates, anything and everything under the sun.

Monday, January 10, 2011

Mukha ni Melai, pinasusunog ni Shalala


NAKAUSAP namin si Melai Cantiveros sa taping ng Banana Split ng ABS-CBN 2. Kinuha namin ang reaksiyon niya sa isyung sinunog niya ang picture ng mga artista at tumatanggap siya ngayon ng katakot-takot na batikos sa kampo ni Mr. Fu.

“Artista lang naman ako. Kung ano ang ipagawa sa akin, gawin ko lang ‘yun,” bungad ni Melai sa amin.

Gusto ba niyang makilala si Mr. Fu?

“Oo. Matagal na po naming tineping ‘yun, dun lang na-air. Hindi man lang picture niya nasunog, marami namang picture na sinunog na dapat kalimutan sa 2010 tulad ng ‘Meganun’.

Trabaho lang naman ‘yun, walang personalan. Bakit naman nagagalit? Baka Chinese, ayaw ng ganoon. Hindi ko naman alam na over sa pagkagalit.”

‘Pag nagkita sila ni Mr. Fu ano ang unang sasabihin niya?

“’Hello’. ‘Pag nagkita kami. Sa picture ko lang siya nakita. Hindi ko pa siya nakita ng personal. ‘Pag nagkita kami siguro hindi ko siya makilala,” aniya pa.

‘Pag may nakikita na masama sa iniuutos ng director, susundin ba niya?

“’Pag papatay ako ng tao. Hindi na ‘yun puwede. Hindi naman ako pumatay ng tao. Picture lang naman ‘yun. ‘Pag sinabi ng director na patayin mo si kuwan, hindi ko gagawin ‘yun. Abnormal na papatay ka.

Wala naman akong masamang nakita sa pagsunog doon. Siguro sa kanilang imahe, mga Chinese, masama siguro sa kanila. Naiitindihan ko naman ‘yun, ganoon naman ang artista ‘pag sobra pagka-big deal. Marami na nag-big deal. Mga next week matatahimik din ‘yan.”

Walang isyung pinag-usapan hanggang five years.

“Sa totoo lang, hindi ko kilala si Mr. Fu. ‘Yung kilala ko ‘yung Meganun. Noong nasa PBB ako sumikat daw ‘yung Meganun,” aniya pa.

Nabasa mo ‘yung mga tira sa iyo?

“Dito ko lang nalaman sa trabaho. Sa internet, pinag-usapan daw. Mabuti na lang sunugin na lang ‘yang Twitter na ‘yan para walang isyu,” aniya pa.

Anong masasabi niya sa statement ni Shalala na sunugin na lang ang mukha niya?

“Alam ko namang joke ‘yun. Hindi naman papatayin ako. Joke lang, magsunugan na lang kami,” diretso niyang sagot.

Kilala ba niya si Shalala?

“Oo, sa Juicy. Marami na siyang tinitira kaya kilala ko. Ako rin maraming tira pero na-immune na ako,” sambit pa niya. Talbog! (report from Ed de Leon, Hataw Tabloid)