The official Blog of "Meet the Faces of KaJoyfulness" for showbiz, talent updates, anything and everything under the sun.

Monday, January 10, 2011

Mga mapagsamantalang tao, gumawa ng hate page sa Facebook

Mga KaJoyfulnesses, dahan-dahan lamang po kapag nag-post ng mga statuses ng iyong Facebook profile dahil may mga mapagsamantala maski mga walang utak na tao ay gumagawa ng mga anti/hate/fake pages ng FB kung saan ang iyong iniidolo ay gustong siraan ng mga kumokontra.

Ang masaklap pa: gumawa ng isang indibiduwal ang isang hate page sa Facebook na may katagang "I Hate the Philippines" kung saan binabastos nila ang mga Pinoy na naninirahan sa Pilipinas.

Kaya naman, nagsama-sama ang mga pro-fanpages na i-report ang mapagsamantalang fanpage maski ang mga anti's ay dapat nang tuluyang i-ban sa mga social networking sites. Bukod sa "I Hate the Philippines", meron ding mga nagsusulputang mga hate pages na gustong paalisin bilang mga artista sa showbiz, ang iilan sa mga ito ay ang: "Anti-Tricia Santos" at ang "Anti-Xyrielle Manabat".

Mga KaJoyfulnesses, mag-ingat po tayo kung ayaw n'yong mabiktima ng mga hate pages o pambabastos/pambabatikos sa inyong pagkatao. Magsama-sama po tayong mag-report sa mga lapastangang fan pages na umano'y makakaapekto sa kanilang ginagawa.