The official Blog of "Meet the Faces of KaJoyfulness" for showbiz, talent updates, anything and everything under the sun.
Tuesday, March 29, 2011
Mariel Rodriguez says she is not a bad influence to Robin Padilla’s kids
Nagpaliwanag si Mariel Rodriguez sa The Buzz hinggil sa lumabas na isyu na diumano’y gusto ni Liezl Sycangco, dating asawa ni Robin Padilla na ngayon ay mister ni Mariel, na ibalik ang pananampalataya ng mga bata bilang Muslim at huwag na mag-artista.
Sinasabi diumano’y bad influence si Mariel sa mga babaeng anak ni Robin na sina Queenie at Kylie.
Pero sinabi ni Mariel na hindi siya naniniwala na inaakusahan siyang bad influence ng dating asawa ng kanyang mister.
“In Queenie’s E-Live interview yesterday (March 26), she mentioned that their mom is reminding them (because) bumalik sa (Muslim) faith ang mom nila and gusto rin ng mama nila na sila rin maging strong ang faith nila,” paliwanag ni Mariel.
Dagdag pa ni Mariel, kampante siya na suportado ni Liezl ang pagsu-showbiz ng kanyang mga anak na babae.
Nang umuwi nga raw sa Australia ang mga bata noong nakaraang Pasko ay tinulungan pa raw ni Liezl ang kanyang panganay na si Queenie na magpapayat.
“Alam ko may suporta (ni Liezl),” paniniyak ni Mariel.
“I think nire-remind niya lang talaga. I think pinapatigil is a strong word. Maybe she’s just reminding, lalong-lalo na sa mga nangyayari ngayon.”
On her part, ipinaliwanag ng actress-host na kaibigan ang tingin sa kanya ng mga anak ni Robin at hindi stepmother.
“Walang authority. We’re really just friends,” kuwento ni Mariel sa The Buzz kahapon.
“At saka marami kaming in common kasi we’re all in showbiz, mga babae rin sila, hindi malayo ang age difference, naiintindihan ko what they’re going through.”
Kahit nga rin daw si Robin ay parang kaibigan lang ang turingan sa mga anak.
“Feeling ko mas magwo-work ang relationship ‘pag ganon. From the very start sinabi ko na talaga ‘yon.”
Tanggap raw ng kikay na aktres na hindi niya mapapalitan si Liezl bilang nanay ng mga bata.
“Ako rin meron rin akong stepmom pero alam ko na may nanay naman talaga ako.”
Samantala, inamin din ni Mrs. Robin Padilla na mas lumakas ang kanyang pananampalataya dahil sa impluwensiya ng kanyang mister, pero itinanggi niyang magpapa-convert siya ng Muslim, na relihiyon ni Binoe.
“I am a Catholic. It is only now that I’m getting to know my religion (and) it is because of Robin and Tum (the movie). Paano mo pupuntahan o iiwan ang isang bagay kung hindi mo siya talaga alam?” ani Mariel tungkol sa pagpapalit ng relihiyon.
Marami raw naituro si Robin sa kanya lalong lalo na ang pagpapalakas ng kanyang pananampalataya.
Ipapalabas na sa sinehan ang pelikula nina Robin at Mariel, ang Tum: My Pledge of Love sa Abril 6. (report from Bernie Franco, Push.com.ph)