The official Blog of "Meet the Faces of KaJoyfulness" for showbiz, talent updates, anything and everything under the sun.

Saturday, January 22, 2011

Ginalyn Salazar, magpapaalam na sa KaJoyfulness network



NAKAKALUNGKOT ISIPIN na mawalan ng isang KaJoyfulness talent at staff dahil sa mga iba't ibang rason.

Magpapaalam na ang KaJoyfulness talent na si Ginalyn Salazar na isa ring director at technical director dahil sa napag-alamang: magtatayo siya ng sarili niyang negosyo pero sa parehong lugar kung saan na siya nag-trabaho.

Matatandaang si Salazar ay dati rin siyang News Spokesperson noong 2009. Nagsimula si Salazar bilang staff noong April 2009 at matatapos na ang kanyang kontrata bilang talent at staff ngayong taon na ito.

Kung may pagkakataon na makabalik sa KaJoyfulness network, maari niyang ipagpatuloy sa mga programang idinirek niya mula noon hanggang ngayon. Si Salazar at direktor din ng Meet the Faces of KaJoyfulness.

Papalitan ni Salazar ang bagong talent at staff na si Melissa MuaƱa bilang director at technical director. Mananatili ang mga ala-ala ni Salazar bilang KaJoyfulness at ang mga nakatrabaho niya sa oras na magtayo ng sarili niyang negosyo.

Maraming Salamat, Ginalyn Salazar at magkikita pa tayong muli!